[Filipino ] Scratch Camp 2026 ----- Meow! Malapit na ang Scratch Camp 2026, at inaanyayahan ka naming sumali! Ang tema ng camp ngayong taon ay “Adventures in Time” at opisyal itong magsisimula sa Lunes, Hulyo 27. Tatagal ito nang tatlong linggo, at sa bawat linggo ay magkakaroon ng mga pagkakataong gumawa ng mga proyekto batay sa isang partikular na tema. Libre ito at maaaring sumali ang sinuman sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga camp studio. FAQ: Q: Paano ako makakasali sa camp? A: Maaari kang sumali sa pamamagitan ng paggawa ng mga proyekto para sa mga Scratch Camp studio! Sa bawat linggo ng camp, magkakaroon ng bagong Scratch Camp studio sa homepage. Maaari ka ring mag-comment sa mga camp studio at sa mga proyekto ng ibang tao! Q: Maaari na ba akong magsimulang sumali ngayon? A: Oo! I-remix ang proyektong ito at idagdag ang iyong sarili habang naghahanda para sa Scratch Camp, at tumulong na ipaalam sa iba na malapit na ang camp! Kapag tapos ka na, siguraduhing idagdag ito sa aming Camp Headquarters studio: https://scratch.mit.edu/studios/51825208 Magsisimula ang camp sa Lunes, Hulyo 27, 2026 — magkita-kita tayo roon! Mrow! =^..^=
Yay my country's language!